KABANATA 17: SI BASILIO
“Duguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari.
Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang magkakasama silang lahat.
Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito. ”
Read more about Buod ng Kabanata 17: Si Basilio « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-noli-me-tangere-kabanata-17-si-basilio/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

KABANATA 18: MGHA KALULUWANG NAGHIHIRAP
“Si Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa.
May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.
Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa kanyang mga anak. ”
Read more about Buod ng Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/buod-ng-kabanata-18-mga-kaluluwang-naghihirap/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&