KABANATA 5: ISANG TALA SA GABING MADILIM
“Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra.
Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara.
Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si Maria Clara.”
Read more about Buod ng Kabanata 5: Isang Tala sa Gabing Madilim « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-5-isang-tala-sa-gabing-madilim/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

KABANATA 6: SI KAPITAN TIYAGO
“Si Kapitan Tyago na ngayon ay mahigit kumulang 35 taong gulang, ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Hindi siya pinag-aral ng kanyang ama bagkus ay naging katulong at naturuan naman siya ng isang paring dominiko. Itinuloy niya ang pangangalakal ng mamatay ang kanyang ama, nakilala si Pial Alba mula sa bayan ng Sta. Cruz at sila ay nagpakasal. Kapwa mahusay magpalakad ng negosyo kaya't sila ay natanyag bilang pinakamayaman kayat sila ay nabibilang sa matataas na antas ng lipunan.
Si Kapitan Tyago ay mailalarawan bilang isang magandang lalaki, may morenong pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha. Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at pag-nganga nito. Naninilibihan siya bilang gobernadorcillo, at kasama sa kanyang paglilingkod ay ang hamakin ang mga Pilipino at hayaan ang mga Kastila sa ganitong gawain. Itinuturing din ng Kapitan na siya ay isa nang Kastila, at ang mga Pilipino ay Indio. Sa paniniwala ng Kapitan, ang mga Kastila ay mararangal at karapat-dapat pag-ukulan ng paggalang at pagpapahalaga. Kaibigan siya ng lahat ng mga may kapangyarihan, lalong lalo na ang mga pari. Kung kaya't hindi mawawala ang kanyang pangalan sa misa at padasal para bilhin ang langit. Nabibili niya ang kabanalan at mga santo na kanyang maibigan. Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep).
Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra.
Sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa ng mag-asawa, sa loob ng anim na taon ay hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao. Makalipas ang kaunting panahon ay nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. Binusog din siya ng pagmamahal nina Kapitan Tyago at mga prayle.
Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan. ”
Read more about Buod ng Kabanata 6: Si Kapitan Tyago « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-6-si-kapitan-tyago/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&