KABANATA 3: ANG HAPUNAN
“Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay walang pakundangang nagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay na nakapag-painis sa Donya. Ang ibang bisita naman ay kanya- kanya ng usapan at papuri sa masarap na handa ng Kapitan.
Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon. Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa Tinyente, na tinanggihan naman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago ngunit magalang itong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok; bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay Ibarra.
Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata.
Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa pagitan nila ng ama ni Ibarra.
Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.”
Read more about Buod ng Kabanata 3: Ang Hapunan « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-3-ang-hapunan/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&

KABANATA 4: EREHE AT PILIBUSTERO
“Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man lang pinag-unlad ang bayang iyon.
Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito, kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso. Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay na lalong ikinagalit ng mga pari.
May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinag-kakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at inawat niya ang artilyero.
Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.
Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya. Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait. Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.”
Read more about Buod ng Kabanata 4: Erehe at Pilibustero « Noli Me Tangere on:
http://noli-me-tangere.com/kabanata-4-erehe-at-pilibustero/?utm_source=INK&utm_medium=copy&utm_campaign=share&